Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, ang Tanggapan ng Turismo, at ang Bataan Peninsula Tourism Council Foundation Inc ay nag organisa ng aktibidad at patimpalak noong Enero 6 – 11, 2020 para sa pag diriwang ng ika – 263 taong pagkakatatag ng Bataan na may temang “Makasaysayang nakaraan, bunga ay maunlad na 1Bataan.”

Nag simula ang selebrasyon sa pagpapakita ng pagkamalikhain ng mga kabataan sa larangan ng multi media arts sa pamamagitan ng pag gawa ng digital poster, infograpiks, at pag vvlog sa paligsahan na pinamagatang Marka ng Kabataan sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan  na ginanap noong Enero 6, 2020 sa Bataan Peninsula State University.

Ipinamalas naman ng Tanghalang Tatsulok ang kanilang  galing at ipinakilala si Vatan sa pamamagitan ng Alamat ng Bataan: Dula sa Teatro noong Enero 6, 7 at 8, 2020 sa  mga Bayan ng Pilar, Dinalupihan, at Lungsod ng Balanga.

Muli ring ibinahagi ni  Dr. Cornelio Bascara, at ng Direktor Heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Atty. Katrina B. Rodriguez ang Kasaysayan ng Bataan sa mga guro at estudyante sa Sampaksaan ng Kasaysayan ng Bataan na ginanap noong Enero 7, 2020 sa Bataan People’s Center.

Sa pangunguna naman ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO), Binuksan rin ang Kalakalan ng Galing Bataan (Trade Fair) noong Enero 8, 2020 sa harap ng kapitolyo. Nagkaroon ng maikling programa at nag bigay ng pampasiglang pananalita si Ms. Elvira Medina na dating kinatawan ng Kagawaran ng Transportasyon.  Ito ay dinaluhan ng ilan sa mga kawani ng gobyerno sa pangunguna ni Gobernador, Albert S. Garcia at ng kinatawan ng pangalawang distrito na si Jose Enrique Garcia III.

Labinlimang (15) pares mula sa iba’t ibang bayan sa Bataan ang lumahok at natunghayan ang ganda ng ating kultura sa ginanap na Karera ng  1Bataan (Amazing Race) noong Enero 9, 2020.  Ang mga nanalo ay sina: 1st Place: Reyes, Roselyn G. at Calayag, Neil Constantine B. ng Bataan Running Club 2nd Place: Jagolino, Carlos James L. at Gamboa, Gilbert C. ng  Koro Duo at 3rd Place: Nisay, Gerry Mae S. at Batungbacal, Alieza Elaine L. ng AM.

Nagpatuloy ang selebrasyon sa masayang pag lahok ng mga kawani ng gobyerno sa iba’t ibang mga palaro tulad ng Pitik Bulag, Patintero, Tumbang Preso, Bato Bato Pik, Nanay Tatay, Bakya mo Neneng, Trumpo, at Lastiko sa  ginanap na Laro ng Lahi noong Enero 10, 2020.

Kinagabihan naman ng Enero 10 ay napuno ng kantahan at musika ang Bataan People’s Center sa pagtatanghal ng Yaman ng 1Bataan na pinangunahan nila Jose Rizal Institute (JRI) Singers, St Catherine of Sienna Academy Choir, Star Dance Company, AES Kabataang Koro kasama ang Tunog Udyong, Jose de Piro Kabataang Orchestra, at Koro Bangkal Magbikin kasama ang Ben and Ben.

Enero 11, 2020 muling nag tipon at nakilahok ang mga bayan sa Bataan sa taunang Parada ng Pinagmulan at Sayaw ng Pagdiriwang. Tampok sa parada ang mga alamat kung saan nag mula ang bawat bayan, at ang sayaw ng pag diriwang ay nagpakita ng mga uri ng pista na ipinagdiriwang sa bawat bayan ng Bataan. Ang parada ay nag simula sa Enrique Garcia Sr. Avenue (EGSA) at nag tapos sa harap ng Kapitolyo.  Ang mga nanalo sa patimpalak ay ang mga sumusunod: Sayaw ng Pagdiriwang: 1st Place: Bayan ng Pilar, 2nd Place: Bayan ng Dinalupihan, 3rd Place: Bayan ng Samal. Parada ng Pinagmulan: 1st Place: Bayan ng Samal 2nd Place: Bayan ng Dinalupihan 3rd Place: Lungsod ng Balanga

Muli, tayo ay mag balik tanaw sa makasaysayang nakaraan upang ating patuloy na maatim ang maunlad na 1Bataan.

 

More Photos