Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-79 taong Araw ng Kagitingan.

Ating balikan ang mga paghihirap at sakripisyo ng mga sundalong nakipaglaban at naharap sa kamatayan noong ikalawang digmaang pangdaigdig. Ating gawing inspirasyon ang kanilang kagitingan upang mapagtagumpayan ang kasalukuyang hamon sa ating bayan. “Kagitingan ay gawing gabay, pandemya ay mapagtatagumpayan.”